Ako po si Ron ron, Deamy Sebuan ang totoo kong pangalan. Anlayo nung palayaw ko sa pangalan ko.Di ko rin alam kung bakit,kaya wag niyo na rin ako tanungin at hayaan niyo na lang.Meron akong dalawang kapatid pero hindi ko na babanggitin pangalan nila, ayaw kasi nila. Pasikat siguro ako o gusto ko lang ng atensyon kaya ko ginawa tong Blog nato. Pero hindi yun ang dahilan ko talaga.Gusto ko lang kasing itala o gawing publiko yung magiging Journey ko sa pinasok kong Business.Gusto ko talagang umasenso sa buhay. In short gusto ko yumaman.Gusto ko maranasan ang buhay maginhawa at nabibigay mo lang ng pangangailangan ng buong pamilya.Yung pag may gusto ka nabibili mo at higit sa lahat at makatulong din sa iba.
Para sa akin, totoo na kung gusto mo tumulong hindi lahat kelangan ng pera,pero karamihan at madalas. Minsan pa nga buhay na ang nakataya.Kung wala kang pera 50/50 ka.Pag meron naman pwede ka pang mag extend. Yun po ang katotohanan at madalas nangyayari ngayon. Hindi po ako mukhang pera , pero kelangan po natin ng pera para mabuhay.Mahirap man tanggapin pero totoo.
Kaya ka nagtatrabaho para sa pera, kaya ka nakakabili ng pagkain mo dahil sa pera, ultimo tubig,kuryente at kung nangungupahan ka pa tulad ko, aba'y kelangan mo talaga ng pera.
So,yun nalang muna, wala na akong ibang maisip na masasabi. Isusulat ko nalang dito ang mga magiging Journey ko sa susunod na mga araw.Lahat ng isusulat ko ay iaayon ko sa totoong mangyayari sa business ko. Maging pangit man ito o maganda para makita niyo ang totoong nangyayari sa isang Network marketing na sinalihan.Pero siyempre ang magiging resulta nito ay nakadepende sa kung gaano ko siya kadalas tinatrabaho, at kung paano ko din siya ginawa.
